Competition in this pair is now closed. Discussion and feedback about the competition in this language pair may now be provided by visiting the "Discussion & feedback" page for this pair. Entries may also be individually discussed by clicking the "Discuss" link next to any listed entry. Source text in English [...] “I have a proposal.” It leaned forward like my friend April does when she wants to tell a secret, even though none of her secrets are any good. Or even really secrets. “If you don’t tell anyone I am here, I can fix your eyes.”
“Get out of town!”
It blinked a couple of times. “That is what I am attempting to do.”
“What I mean is you can’t do that!”
“Why not?”
“Well, no one else has been able to fix my eyes, besides with glasses.”
“I have certain abilities. You will see, provided…”
“…I don’t tell anyone about you?”
“That is the heart of it, that is the nub.”
“How do I know you won’t blind me? You could be like one of those telemarketers making promises but totally lying.”
It started waxing on, waxing off again. “I would not do such a thing to a creature who has done me no harm.”
“Meaning if I harmed you, you could make me go blind?”
“That’s on a need-to-know basis.”
“And if you fix my eyes, and I don’t tell anyone about you, you’ll leave our fields?”
“That’s the heart of it!” [...] | Winning entries could not be determined in this language pair.There were 5 entries submitted in this pair during the submission phase. Not enough votes were submitted by peers for a winning entry to be determined.
Competition in this pair is now closed. | [...] "Mayroon akong isang panukala." dumukwang siya gaya ng ginagawa ng aking kaibigan na si April kapag may gusto siyang sabihin na lihim, kahit na minsan ang ilan sa kaniyang mga lihim ay hindi mabuti. O kahit na talagang mga lihim ito. " Kung hindi mo sasabihin sa sinuman na nandito ako, maaari kong ayusin ang iyong mga mata. " "Umalis ka na sa bayan! " Ilang beses itong kumurap. " Iyan ang sinusubukan kong gawin." "Ang ibig kong sabihin ay hindi mo ito magagawa! " "Bakit hindi? " "Sapagkat,walang ibang nakapagpalinaw ng aking mga mata, maliban sa mga salamin." "May mga kakayahan ako. Makikita mo, kung... " " ...Hindi ko sasabihin sa sinuman ang tungkol sa iyo?" " Iyon ang puso nito, iyon ang pinaksentro." "Paano ko malalaman na hindi mo ako bubulagin? Maaari kang maging tulad ng isa sa mga telemarketer na nangangako ngunit lubusan namang nagsisinungaling." Nagsimula itong lumiit at, lumaki muli. "Hindi ko gagawin ang gayong bagay sa isang nilalang na hindi ako kayang saktan." " Ang ibig sabihin kung sasaktan kita, maaari mo akong bulagin?" "Ayan ay malalaman mo sa takdang panahon" "At kung pagagalingin mo ang aking mga mata, at hindi ko sasabihin sa sinuman ang tungkol sa iyo, aalis ka na sa aming bukirin?" " Tumpak ka diyan!" [...] | Entry #38513 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
14 | 3 x4 | 0 | 2 x1 |
| [...] “May alok ako.” Nakakuba ito na parang ang kaibigan kong si April kapag may gusto siyang sabihing sikreto, kahit na wala naman sa mga sikreto niyang iyon ang maganda. O wala naman talagang sikreto. “Kung hindi mo sasabihin sa kahit sino na narito ako, aayusin ko ang mga mata mo.” “Hindi ako naniniwala sa iyo!” Kumurap ito ng dalawang beses. “Iyan ang sinusubukan kong gawin.” “Ang ibig kong sabihin ay hindi mo 'yan kayang gawin!” “Bakit hindi?” “Siyempre, walang ibang makakaayos sa mga mata ko, bukod sa salamin ko.” “Mayroon akong ilang mga kakayahan. Makikita mo, basta…” “…Wala akong pagsasabihan nang tungkol sa iyo?” “Iyan ang pinakamahalaga, ang pangunahing bahagi ng isang bagay.” “Paano ko malalaman kung hindi mo ako bubulagin? Baka para kang isa sa mga nangangakong telemarketer pero ubod ng sinungaling.” Nagsimula itong lumanghap ng hangin mula sa ilong, at ibinuga ang hangin mula sa bibig. “Hindi ko gagawin ang bagay na iyan sa isang nilalang na walang ginawang masama sa akin.” “Ibig sabihin, kapag sinaktan kita, puwede mo akong bulagin?” “Depende iyan sa nais na malaman.” “At kung maaayos mo ang mga mata ko, at hindi ko sasabihin sa iba ang tungkol sa iyo, makakaalis ka sa aming bukid?” “Iyan ang pinakamahalaga dito!” [...] | Entry #38521 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
10 | 1 x4 | 2 x2 | 2 x1 |
| [...] "May panukala ako.” Payukong lumapit ito tulad ng ginagawa ng kaibigan kong si April kapag gusto niyang magsabi ng isang lihim, kahit na wala sa kanyang mga lihim ang nakabubuti. O kahit na mga lihim talaga. "Kung hindi mo sasabihin kahit kanino na nandito ako, magagamot ko ang iyong mga mata.” "Lumabas ka ng bayan!” Kumurap ito ng ilang beses. "Iyon ang sinusubukan kong gawin.” "Ang ibig kong sabihin ay hindi mo pwedeng gawin iyon!” "Bakit hindi?” "Hmm, walang ibang nakagamot ng aking mga mata, maliban sa salamin.” "Mayroon akong ilang mga kakayahan. Makikita mo, sa kondisyon na..." "...Hindi ko sasabihin kanino man ang tungkol sa iyo?” "Iyon ang pinakamahalaga, iyon ang punto.” "Paano ko malalaman na hindi mo ako bubulagin? Maaaring katulad ka ng isa sa mga telemarketer na nangangako pero nagsisinungaling talaga.” Nagsimula itong magpaliwanag muli. "Hindi ko gagawin ang ganoong bagay sa isang nilalang na hindi ako sinaktan.” "Ibig sabihin kung sinaktan kita, maaari mo akong bulagin?” "Iyon ay batay sa kailangang malaman.” "At kung gagamutin mo ang aking mga mata, at hindi ko sasabihin kanino man ang tungkol sa iyo, iiwanan mo ang mga bukid namin?” "Iyon ang pinakamahalaga!” [...] | Entry #37894 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
10 | 1 x4 | 3 x2 | 0 |
| […] “Meron akong iaalok” lumapit sya sakin kamuka ng paglapit ni April saakin pag may sasabihin syang sikreto, kahit na kadalasan wala namang kwenta ang mga sikreto nya. O hindi naman talaga sikreto. “Kung wala kang sasabihan kahit sino na nandito ako, gagamutin ko yang mga mata mo.” “Wag mo nga akong niloloko!” Ilang beses din syang kumurap. “ Yan ang sinusubukan kong gawin.” “Ang sinasabi ko lang, hindi mo kayang gawin yang sinasabi mo!” “Bakit hindi?” “Eh kasi, wala namang nakagamot ng mga mata ko mula noon, salamin lang talaga ang gumana.” “ Magaling ako, maabilidad. Makikita mo, basta…” ”… wala akong sasabihan tungkol sayo?” “ Tama, yun ang pangunahing kundisyon.” “Paano naman ako makakasigurong di mo ko bubulagin? Baka para ka lang ding ahente sa telepono na kung ano ano ang pinapangako, di naman totoo” Patuloy sya sa pakikipag usap at pagkumbinsi na kaya nyang magpagaling ng mata at pagpapaliwanag na hindi ito puro salita at pangako lang. “Hindi ko kayang manakit ng kahit sino na wala namang ginagawang masama saakin.” “Ibig sabihin, pag nagawan kita ng hindi maganda, pwede mo akong bulagin?” “Malalaman mo lang yan, pag may ginawa ka na” “At kung gagamutin mo ang mata ko, at wala akong sasabihang kahit na sino tungkol sayo, aalis ka na sa lugar namin?” “Tama, yun ang pangunahing kundisyon.” […] | Entry #38270 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
6 | 1 x4 | 0 | 2 x1 |
| […] “Mayroon akong mungkahi.” Sumandal iti tulad ng ginagawa ng kaibigan kong si April kapag gusto niyang magsabi ng sikreto, kahit na walang maganda sa kanyang mga sikreto.O kahit na talagang sikreto. “Kung hindi mo sasabihin kahit kanino na narito ako, pwede kong ayusin ang mga mata mo.” “Umalis ka sa syudad!” Kumurap ito ng ilang beses. “Iyon nga ang sinusubukan kong gawin.” “Ang ibig kong sabihin ay hindi mo magagawa iyon!” “Bakit hindi?” “Ay, wala pang nakakapag-ayos ng mga mata ko, bukod sa may mga salamin.” “Mayroon akong mga ilang abilidad. Makikita mo, basta…” “…Hindi ko sasabihin kahit kanino ang tungkol sa iyo?” “Iyun ang pinakapuso nito, iyon ang punto.” “Paano ko malalaman kung hindi mo ako bubulagin? Maaaring isa ka doon sa mga telemarketers na gumagawa ng mga pangako pero ganap na nagsisinungaling.” Nag-umpisa ito ng paglalagay ng sebo, aalisin ang sebo ulit. “Hindi ko gagawin ang bagay na ito sa isang nilalanag na walang ginawang masama sa akin.” “Ibig sabihin, kung nasaktan kita, maaari mo akong bulagin?” “Iyan ay nasa kung-kailangan-lang-malaman na batayan.” “At kung maayos mo ang aking mga mata, at hindi ko sinabi kahit kanino ang tungkol sa iyo, aalis ka sa ating mga bukid?” “Iyon ang pinaka-ubod nito!" | Entry #38447 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
6 | 1 x4 | 1 x2 | 0 |
| | | | | X Sign in to your ProZ.com account... | | | | | | ProZ.com translation contestsProZ.com translation contests offer a fun way to take a break from your normal routine while testing and honing your skills with fellow translators.
ProZ.com Translation Contests. Patent pending. |